“Kaya lang wala na kayong makita. Kung tatagal ito talagang krisis na ito, medyo mauubos talaga. Pagkaubos na wala na rin, ako Presidente, inu­til na ako, wala na akong magawa, wala na akong maibigay sa inyo, wala na akong pambili, magkikita-kita tayo diyan sa Rizal Park. Diyan mismo sa flag ni Rizal, magbigti na lang ako,” sabi ni Duterte.
Presidential Photo/King Rodriguez
Duterte magbibigti sa Rizal Park, Diokno isasama
Malou Escudero (Pang-masa) - April 5, 2020 - 12:00am

Kapag wala na siyang magawa sa COVID-19 crisis…

MANILA, Philippines — Hayagang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte kamakalawa ng gabi na magbibigti na lamang siya sa Rizal Park kung magmimistula siyang inutil at wala nang magagawa pa sa krisis ng COVID-19 sa bansa pero isasama niya si Atty. Chel Diokno sa pagpapatiwakal.

Sa kanyang televised na mensahe, inamin ng Pangulo na mauubos ang pera ng gobyerno at wala na siyang maibibigay sa mga mamamayan kung hindi masusugpo ang virus.

“Kaya lang wala na kayong makita. Kung tatagal ito talagang krisis na ito, medyo mauubos talaga. Pagkaubos na wala na rin, ako Presidente, inu­til na ako, wala na akong magawa, wala na akong maibigay sa inyo, wala na akong pambili, magkikita-kita tayo diyan sa Rizal Park. Diyan mismo sa flag ni Rizal, magbigti na lang ako,” sabi ni Duterte.

Pero sinabing nais niyang isama sa pagpapakamatay si Diokno na patuloy na nang-iintriga sa panahon ng krisis.

“Wala na akong ma­gawa. Marami ng patay, maraming umiiyak, tapos sabihin ‘Presidente…’ Wala na rin akong magawa. Pero isama ko si Diokno sa baba ko. Ako sa taas. Sabay tayong magbigti. Leche ka. T*** i**, galit ako sa iyo, ulol ka. Huwag ka kasi mag-intriga sa tao nga­yong panahon na ito. Ulol,” anang Pangulo.

Partikular na tinukoy ng Pangulo ang pang-iintriga ni Diokno tungkol sa eroplano na matagal nang binili ng Philippine Air Force.

“Tapos sabihin mo na magbili ng eroplano. Ginagamit ‘yan ng Air Force. Sabihin ko sa iyo ngayon ni hindi ko nakita ‘yang eroplano na ‘yan. Hindi ako gumagamit ng sa gobyerno ‘pag ako ang nag-travel para malaman mo, Diok­no,” sabi ni Duterte.

Binira rin ng Pangulo ang pananatili sa bahay ni Diokno sa gitna ng krisis na nasa loob lamang ng kanyang kulambo. 

“Ang balita ko, ikaw Diokno, nasa bahay ka, naka-mosquitero ka kagaya ko. Ako, nagmo-mosquitero. Eh probinsyano ako eh. Wala naman ka­ming screen doon sa bahay, ‘di maraming lamok. Pagtulog namin, ‘yan mosquitero. Ikaw ngayon, ang balita nasa mosquitero ka, ayaw mong lumabas. Diyan ka na daw kumakain, diyan ka na nag… Galit ako sa iyo,” pahayag pa ng Pangulo.

Sa huli, nakiusap ang Pangulo na tigilan na ang pagpapakalat ng fake news pero kung magkikita umano sila ni Diokno ay patatalsikin niya ang isang ngipin nito.

CHEL DIOKNO RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with