24 na nagkalat ng ‘fake news’ sa COVID-19, kinasuhan
MANILA, Philippines — Inihayag ni Philippine National Police (PNP) Chief, Gen. Archie Gamboa, na 24 katao na nagpakalat ng fake news tungkol sa coronavirus disease o COVID-19 ang sinampahan na nila ng kaso.
Ang mga ito ay lumabag Unlawful Use of Means of Publication and Unlawful Utterances under Article 154 of the Revised Penal Code as Amended in relation to Sec 4c4 (Online Libel) and Section 6 of Republic Act No. 10175, or the Anti-Cybercrime Law.
Kabilang na dito ang napabalitang kinumpiska ang ilang personal protective equipment (PPE) sa The Medical City na agad namang pinabulaanan ng pamunuan.
Mahaharap ang mga lumabag sa pagkakakulong ng isa hanggang anim na buwan o pagmumulta ng mula P40,000 hanggang P200,000 at maaari pang maparusahan sa ilalim ng Cybercrime Prevention Act of 2012.
- Latest