^

Police Metro

National ID system sagot kontra COVID

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinamamadali ni Senador Sherwin Gatcha­lian sa pamahalaan ang pagpapatupad ng national ID system upang mapabilis ang pagtugon sa mga kalamidad at pag-trace sa mga taong pinaghihinalaang nahawa ng mga nakakamatay na COVID-19.

Anya, sa ibang bansa na may mababang kaso ng COVID-19 tulad ng Taiwan ay ginamit ang kanilang national date para ma-trace ang mga tao nila na may travel history kaya simula pa lamang noong Enero ay inalerto na ng kanilang National Health Insurance Administration (NHIA) at National Immig­ration Agency ang database ng mga doktor para sa kanilang mga pasyenteng may travel history sa mga bansang may mataas na kaso ng COVID-19.

Gayundin umano sa Singapore  na ginamit ang kanilang National Re­gistration Identity Card (NRIC) para sa pagkolekta ng impormasyon para sa contract tracing at iba pang hakbang para labanan ang COVID-19.

“Matagal nang naipasa ang Philippine Identification System Act sa bansa kaya napapanahon na para gamitin ito bilang tugon sa mga emergency situations tulad ng krisis na nararanasan ngayon,” pahayag ni Gatchalian.

Dapat umanong tu­laran ng Pilipinas ang  hakbang na ginawa ng Singapore at Taiwan kung paano ginamit ang kanilang national ID para mapigilan angp coronavirus outbreak.

vuukle comment

NATIONAL ID SYSTEM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with