^

DSWD: Mahihirap ang unang bibigyan ng ayuda

Angie dela Cruz (Pang-masa) - April 4, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mahihirap umano ang uunahing pagkakalooban ng P100 bil­yong pondo na unang naipalabas ng pamahalaan bilang emergency subsidy o cash aid sa kabuuang 18 milyong  mahihirap na pamilya na apektado ng community quarantine sa Luzon.

Ito ang sinabi ni Social Welfare Secretary Rolando Bautista nang ipalabas na ng Department of Budget and Management  ang P100 bilyon sa P200 bilyong pondo para sa isang buwang ayuda sa mamamayan.

Ang mga beneficiaries ng DSWD amelioration program ay makakatanggap ng mula P5,000 hanggang P8,000 bawat bahay kada buwan sa loob ng dalawang buwan.

Ang unang makakatanggap ng cash assistance ay ang 4.2 milyong beneficiaries ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) dahil mayroon na silang record at  hindi na kailangang busisiin pa ang dokumento.

Muling niliwanag ni Bautista na buong cash ang benepisyong matataggap ng mga beneficiaries sa ilalim ng social amelioration package at hindi ang unang ulat na kombinasyon ng  cash at food packs.

Kasama sa mga benepisyaryo ang mga informal economy workers at ang mga direktahang apektado ng quarantine tulad ng mga pana-panahon lamang ang trabaho tulad ng mga construction workers, subcontractors, househelps, drivers ng mga pampasaherong sasakyan tulad ng mga tricycle, AUV, jeepney at bus drivers,  micro entrepreneurs, subminimum wage earners, magsasaka, mangingisda, “no work no pay” workers, at stranded workers.

ROLANDO BAUTISTA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with