34,253 workers makakakuha ng P5K ayuda sa DOLE
Malou Escudero (Pang-masa) - April 4, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nasa 34,253 workers sa buong bansa ang makakakuha ng “one time” na P5,000 mula sa COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP).

Ito ang inihayag kahapon ni Cabinet Secretary Karlo Nograles at ang P5,000 subsidy ay ibinibigay ng Department of Labor and Employment sa mga empleyado na ang trabaho ay naapektuhan ng enhanced community quarantine.

Muling hinikayat ni Nograles ang mga employers na isumite sa DOLE ang listahan o payroll ng kanilang kompanya at kung ayaw ng employers na isumite ang payroll o listahan ay maaari itong gawin mismo ng mga empleyado.

Nauna rito, mismong si Secretary Silvestre Bello III na ipapadala sa pamamagitan mg Palawan at MLhuiller ang P5,000 pinansiyal na tulong para sa mga naapektuhang manggagawa.

KARLO NOGRALES
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with