Sinabi ni Dizon, magsisilbing isang “mega quarantine facility” ang Philippine Arena. Ang Philippine Arena ang itinuturing na pinakamalaking indoor arena sa buong mundo.
Philippine Arena gagawin ding quarantine facility
Malou Escudero (Pang-masa) - April 4, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Maliban sa 12 pasilidad sa Metro Manila na inihahanda na para magamit na quarantine facility, gagamitin din ang Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan para sa mga mamamayan sa Central Luzon na posibleng tamaan ng COVID-19 matapos pumayag na ipagamit ng religious group na Iglesia Ni Cristo.

Ito ang sinabi ni Presidential Adviser for Flagship Programs and Projects at Bases Conversion and Development Authority (BCDA) President and CEO Vince Dizon sa Laging Handa press briefing.

Sinabi ni Dizon, magsisilbing isang “mega quarantine facility” ang Philippine Arena. Ang Philippine Arena ang itinuturing na pinakamalaking indoor arena sa buong mundo.

Ang Athletes’ Village sa New Clark City at ASEAN Convention Center ay gagamitin na rin bilang COVID-19 hospital.

Sa nasabi ring press briefing, sinabi ng architect na si Dan Lichauco, ang disenyo ng quarantine facilities ay ihahalintulad sa mini-hospitals na mayroong color-coded nurse stations, disinfection at sanitation.

Gagawan ng enclosed rooms ang mga nurse para sa kanilang proteksyon at titiyakin din na magiging kumportable ang mga pas­yente sa pasilidad.

May saksakan para sa devices, toilet facilities, tubig na ang pagkain ay ihahatid sa kwarto ng mga pas­yente.

COVID-19 PHILIPPINE ARENA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with