Ayon kay P/Lieutenant General Guillermo Eleazar ng Joint Task Force COVID-19 Shield, hindi lang surgical mask kundi anumang uri ng proteksyon ay maaaring magamit ng mga residente na lalabas ng bahay.
STAR/Edd Gumban, file
‘Di magsusuot ng face mask, aarestuhin
Malou Escudero (Pang-masa) - April 4, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dahil magiging mandatory na ang pagsusuot ng face mask, sinabi kahapon ng Philippine National Police (PNP) na maaa­ring maaresto ang mga lalabag.

Ayon kay P/Lieutenant General Guillermo Eleazar ng Joint Task Force COVID-19 Shield, hindi lang surgical mask kundi anumang uri ng proteksyon ay maaaring magamit ng mga residente na lalabas ng bahay.

Tugon ito ng PNP sa mga nagtatanong kung saan sila kukuha ng face mask ngayong kapos ang suplay dahil ang sinumang walang suot na face mask ay maaaring hindi payagang makalagpas sa checkpoint, pauuwiin o maaari ring maaresto. Ang local government units ang magpapasa ng ordinansa sa kani-kanilang mga lugar sa pagsusuot ng face mask. Kailangan ding ilatag sa ordinansa ang mga parusa sa mga lalabag.

Magugunita na kamakalawa ay iniha­yag ni Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles, spokesman ng Inter-Agency Task Force on Infectious Disease na ipinatupad ng gobyerno ang mandatory na pagsusuot ng face mask kapag lalabas ng bahay ang mga residente na nasa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) para maprotektahan ang sarili at iba laban sa COVID-19.

Hinihikayat  ng IATF ang mga concerned local government units (LGUs) na magpalabas ng executive order (EO) o ordinansa na nag-aatas na kinakailangan ang magsuot ng face mask.

FACE MASK
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with