Partial lifting ng ECQ sa Abril 15, irerekomenda sa IATF
Malou Escudero (Pang-masa) - April 2, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Irerekomenda ng Department of Trade and Industry (DTI) sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases na magkaroon ng gradual o partial lifting sa enhanced community quarantine (ECQ) sa April 15.

Sa Laging Handa briefing, sinabi ni Trade Secretary Ramon Lopez na suportado ng kanilang hanay ang panawagan ng mga negosyante na magkaroon ng moderate na pagtatanggal sa enhanced community quarantine.

Pero, ayon kay Lopez, tanging ang mga negosyo lamang na may kaugnayan sa produksyon at manufacturing ng pagkain at iba pang essential goods ang papayagan na mag-operate.

Pabor din aniya ang DTI na habaan pa ang oras ng operasyon ng mga grocery at supermarket para hindi magkumpul-kumpol ang mga tao.

Dapat pa rin aniyang ipagpatuloy ang pagbabawal sa mass gatherings o malakihang pagtitipon at dapat mapanatili ang social distancing.

Magkakaroon ng pagpupulong ngayong araw ang IATF at ilalatag ni Lopez ang kanyang mga rekomendasyon.

ENHANCED COMMUNITY QUARANTINE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with