Matamang pinanood ng isang lalaki sa kanyang cellphone ang public address ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa unang linggong report nito ma-tapos ma­bigyan ng special powers para labanan ang COVID-19 pandemic kamakalawa ng gabi sa Maynila.
Miguel de Guzman
Duterte tinawag na masuwerte ang mga namatay na health workers
Malou Escudero (Pang-masa) - April 1, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — “May mga doktor na, nurses, attendants, namatay. Sila ‘yung nasawi ang buhay para lang makatulong sa kapwa. Napakasuwerte nila. Namatay sila para sa bayan.”

Isa ito sa nilalaman ng national address ni Pangulong Rodrigo noong Lunes ng gabi na kung saan ay muli itong nagpasalamat sa mga frontliners at tiniyak na hindi malilimutan ang kanilang kabayanihan.

“Yun ang dapat, ang rason na bakit tayo mamatay. ‘Wag tayong mamatay sa ibang rason, nasagasaan ka lang at wala ka namang ginawa,” wika ni Duterte.

Pero ipinaalala rin ng Pangulo sa mga health workers na maging “fully protected” bagaman at naniniwala siya na mamamatay ang isang tao kapag panahon na niya.

“At ako naman ho, ang pilosopiya ko ho ganito, sa nagtatrabaho, kung protected ka lang, eh make yourself fully covered, protected para hindi --- walang madisgrasya. Pero ang doktrina ko sa buhay is ako, si Rodrigo Duterte, kung panahon ko na, panahon ko na,” ani Duterte.

Inihayag din ng Pa­ngulo na kahit pa iba ang pilosopiya niya sa buhay tungkol sa kamatayan, nag-aalala siya para sa mga frontliners na hindi na makakasamang tumanda ang kanilang mga anak at apo.

Sinabi naman ni Dr. Oscar Tinio, chair ng Phi­lippine Medical Association na sa kasalukuyan ay nasa 12  Filipino doctor na ang nasasawi sa COVID-19 pandemic.

FRONTLINERS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with