Kagawad pinasok, tinepok
Jorge Hallare (Pang-masa) - March 31, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang 42-anyos na barangay kagawad ang pinasok sa loob ng kanyang bahay at pagbabarilin ng isang lalaki na naganap kamakalawa ng gabi sa Brgy. Sugod, Bacon District, Sorsogon City, Sorsogon.

Ang biktima na idineklarang dead-on-arrival sa ospital ay kinilalang si Pantaleon Dollesin Ditan, may-asawa, incumbent barangay kagawad ng natu­rang lugar.

Sa ulat, alas-7:30 ng gabi ay nasa loob ng kanilang bahay ang biktima nang pasukin ng hindi nakilalang lalaki at pinagbabaril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nang bumulagta, ang suspek ay mabilis na tumakas patungo sa hindi malamang direksyon.

Inaalam pa ng pulisya kung may kaugnayan sa tra­baho o personal na galit ang pagpatay sa biktima.

KRIMEN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with