Lola na-trap sa nasusunog na bahay, patay
Ludy Bermudo (Pang-masa) - March 31, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi na nakalabas ang isang 55-anyos na lola sa nasusunog nilang bahay matapos balikan para kunin ang mga mahahalagang dokumento kahapon ng umaga sa Taguig City.

Ang nasawi ay kinila­lang si Belen Benedicto, residente ng Block  4,  Lot 1, Sumasipat St., Barangay Sta. Ana, Taguig City.
Sa ulat ng Taguig City Bureau Fire Protection, alas-8:54 ng umaga nang magsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng bahay ng biktima.

Nagawa pa ng biktima na mailabas ang kaniyang mga apo sa nasusunog nilang bahay, subalit muli itong bumalik upang kunin ang mga mahahalagang dokumento kung saan hindi na ito nakalabas dahil sa  kapal ng usok.

Mahigit isang oras ang sunog bago ito naapula at walang iba pang bahay na nadamay.

SUNOG
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with