5-anyos sa Nueva Vizcaya nagpositibo sa COVID-19
March 31, 2020 | 12:00am
MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng Inter Agency Task Force sa Bayombong, Nueva Vizcaya na isang 5-anyos na batang babae ang kumpirmadong nahawaan ng COVID-19.
Ito ang sinabi ni Dr. Edwin Galapon, pinuno ng IATF sa lalawigan, at ang bata na nagmula sa bayan ng Alfonso Castañeda ay naka-confine sa kasalukuyan sa Premiere General Hospital sa Cabanatuan City, Nueva Ecija.
Hindi na nagbigay ng iba pang detalye si Galapon kung paano nahawaan ang bata na ika-15 kaso ng COVID-19 sa Cagayan Valley.
BrandSpace Articles
<
>
Philstar
x
- Latest
Latest
Recommended