^

Police Metro

DOH: 1,546 positibo, 78 nasawi sa COVID

Danilo Garcia - Pang-masa
DOH: 1,546 positibo, 78 nasawi sa COVID
Base sa update kahapon ng Department of Health (DOH), dakong alas-4:00 ng hapon ay kinumpirma na 128 pang pasyente ang natagpuan nilang positibo na binig­yan pito ng patient number na PH1,419-PH1,546.
STAR/Boy Santos, file

MANILA, Philippines — Nasa 1,546 na ang kabu­uang positibong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas habang tumaas din sa 78 ang bilang ng mga nasawi.

Base sa update kahapon ng Department of Health (DOH), dakong alas-4:00 ng hapon ay kinumpirma na 128 pang pasyente ang natagpuan nilang positibo na  binig­yan pito ng patient number na PH1,419-PH1,546.

Habang pito naman ang nadagdag sa mga pasyenteng tuluyang nalagutan ng buhay sa pakikipaglaban sa virus para umakyat ang death toll sa bansa sa 78 kabilang ang apat na senior citizen.

Tinukoy ang mga nasawi na sina PH149 na isang 61-anyos na Filipina mula sa Makati City; PH587 na isang 79-anyos na Filipino na taga-Muntinlupa City; PH647 na isang 43-anyos na Filipino mula sa Paranaque City; PH1488 na isang 60-anyos na lalaki buhat sa Muntinlupa City ngunit inaalam pa ang nasyunalidad.
Nasawi rin sina PH1447 na isang 45-anyos na Filipino mula sa Davao City; PH1446 na isang 59-anyos na Filipino buhat rin sa Davao City at si PH1489 na isang 74-anyos na Filipino na taga-Quezon City.

Wala namang nadagdag sa mga pasyente na nakarekober sa sakit kaya nananatili ang bilang ng recoveries sa 42.

Sinabi ni Health Usec. Ma. Rosario Vergeire na inaasahan na patuloy pa ang pagtaas ng mga numero dahil sa dagdag na bilang at kapasidad ngayon ng mga testing laboratories at mas masigasig na ‘contact tracing’.

Related video:

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with