^

Police Metro

Año: Hindi ‘advisable’ ang ECQ extension

Mer Layson - Pang-masa
Año: Hindi �advisable� ang ECQ extension
Ito ang paniniwala ni Interior Secretary Eduar­do Año kaya’t umapela ito sa mga mamamayan na seryosohin ang natitirang dalawang linggo ng quarantine upang tuluyan nang masugpo ang paglaganap ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas.
Philstar.com/Erwin Cagadas Jr.

MANILA, Philippines — “Hindi umano ‘advi­sable’ na palawigin pa ang umiiral na enhanced community quarantine sa Luzon ngayon, dahil ang ekonomiya ng bansa ang lubos na maaapektuhan nito”. 

Ito ang paniniwala ni Interior Secretary Eduar­do Año kaya’t umapela ito  sa mga mamamayan na seryosohin ang natitirang dalawang linggo ng quarantine upang tuluyan nang masugpo ang paglaganap ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas.

Matatandaang una nang nagpatupad si Pa­ngulong Rodrigo Duterte ng enhanced community quarantine sa Luzon noong Marso 16 para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 at may mga haka-haka naman na maaaring mapalawig pa ang quarantine kung magpapatuloy pa rin ang paglaganap ng virus.

Gayunman, depende pa rin aniya ito sa desisyon ng pangulo kung aalisin na o hindi ang quarantine na inaasahang magtatagal hanggang sa Abril 14 at habang umiiral ito ay kinakailangang limitahan ang galaw ng mga tao sa pagbili lamang ng kanilang mga pangangailangan at manatili lamang sa kanilang tahanan upang hindi mahawa ng virus.

“Palagay ko naman pag umabot tayo ng 10,000 cases, ng ganun dapat i-extend, hindi pwede pabayaan. Siyempre IATF ang mag-decide niyan partikular threshold natin at saka yung mga underlying factors pa so we have two weeks na sana seryosohin na natin ng husto ang lockdown pati ibang lugar sa bansa, oustside Luzon,” aniya.

vuukle comment

EDUAR­DO AñO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with