P10 bilyon ni-remit ng DOTr sa government vs COVID
MANILA, Philippines — Upang masugpo ang paglaganap ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa ay nag-remit ang Department of Transportation (DOTr) ng P10 bilyon sa Bureau of Treasury (BTr) upang magamit na panggastos ng pamahalaan.
Kabilang sa naturang halaga ay ang P3 bilyon na mula sa Manila International Airport Authority (MIAA), P3 bilyon mula sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), at P4 bilyon naman mula sa Philippine Ports Authority (PPA).
Ayon kay DOTr Secretary Arthur Tugade, nahaharap ang bansa sa laban sa COVID-19, na namiminsala hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo at kinakailangan ng pamahalaan ang lahat ng suportang pinansiyal para masugpo at tuluyang ma-eliminate ang nakamamatay na virus na ito.
“We at the DOTr are throwing our support to this effort and to make sure that we as a country survives to see victory in this war against an invisible but very dangerous enemy,” ayon pa kay Tugade.
Sa ilalim ng batas, kinakailangang ideklara at i-remit ng isang government-owned and controlled corporations (GOCCs) ang kalahati ng kanilang kita bilang dibidendo sa national government.
- Latest