Empleyado ng LTO, 20 pa dinakip sa tupada
Raymund Catindig (Pang-masa) - March 30, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kahit na may kautusan ang pamahalaan na bawal ang mga pagtitipon dahil sa umiiral na enhanced community quarantine sa buong Luzon, 21 katao ang naaktuhang nagsasabong kabilang ang isang kawani ng Land Transportation Office (LTO) na si Larry Lappay, 56 ng Brgy. Cataggamman Viejo, Tuguegarao City sa isang tupada kamakalawa ng hapon  sa boundary ng Enrile at Solana, Cagayan.

Ayon kay Cagayan Police Director Colonel Ariel Quilang, ala-1:00 ng  hapon nang salakayin ng pulisya ang lugar ng tupadahan  at naaresto ang mga suspek at mga panabong na manok.

Ang mga suspek ay sinampahan ng kasong kriminal at paglabag sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine sa Luzon kaugnay sa pagpigil ng pagkalat ng COVID-19.

LAND TRANSPORTATION OFFICE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with