Pekeng pulis tiklo sa pangingikil sa 2 lumabag sa quarantine
Danilo Garcia (Pang-masa) - March 30, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang lalaki na nagpanggap na pulis ang ­inaresto ng mga tunay na pulis nang ireklamo ng dalawang lalaki na sila ay kinikilan dahil sa lumabag umano sila sa ipinatutupad na enhanced community quarantine sa Ermita, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Ang naarestong suspek ay kinilalang si  Reynaldo Santos, 43,  construction worker at residente ng No. 183 Halcon Street, La Loma, Quezon City na inireklamo ng mga biktimang sina Jimson Dela Vega, 25, cashier, ng Western Bicutan, Taguig City at Jay Bertudez, 38, obrero, ng Zapote 2, Bacoor City, Cavite.
Sa ulat, ala-1:30 ng hapon, sinita umano ng suspek ang dalawang biktima na nagpakilalang pulis dahil sa paglabag umano nila sa community quarantine sa may Pedro Gil Street, Ermita.

Nang malaman na hindi sila mga taga-Maynila, hiningan sila ng suspek ng pera kung saan aabot sa P10,500 ang nata­ngay sa kanila kaya’t agad nila itong inireklamo na naaresto habang tatakas.

Ang suspek ay kinasuhan ng robbery extortion at usurpation of authority.

ENHANCED COMMUNITY QUARANTINE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with