Mister sinita sa checkpoint, natigok sa nerbiyos
Raymund Catindig (Pang-masa) - March 30, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Matinding nerbiyos at hindi sa virus namatay ang isang 55-anyos na mister makaraang sitahin sa checkpoint ng mga pulis na nagpapatupad ng enhanced community quarantine kamakalawa sa  Brgy. Jurisdiccion, Camalaniugan, Cagayan.

Sa ulat, ala-1:30 ng hapon ay nakamotor ang biktima na si Gregorio Casuga Jr., ng Brgy. Baumbayan, Lal-lo nang ito sitahin sa checkpoint ng mga pulis at habang tinatanong ay napansin nila na takot at ninerbiyos ito na kung saan ay bigla na lamang natumba at nawalan ng malay.

Agad na binuhat ang biktima ng mga pulis para dalhin sa Matilde Olivas District Hospital,subalit idineklara itong dead on arrival.

Sinabi ni Police Staff Sergeant Marvin Lorenzana, na magalang naman ang mga pulis na nagpahinto  at nakipag-usap sa biktima at nagtataka sila bakit ito kinakabahan.

PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with