Pag-apruba sa PPE ng DOH at DTI, pinamamadali
Gemma Garcia (Pang-masa) - March 30, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinamamadali ni Senador Imee Marcos  sa Department of Health (DOH) at Department of Trade and Industry  (DYI) ang pag-apruba na isinumite ng garment export industry para gumawa ng personal protective equipment (PPE) na prototype na.

Ang nasabing garment export industry ay may 300,000 manggagawa na  makakatugon sa kakulangan ng supply ng PPE na ngayon ay dinaranas ng buong mundo.

Ayon kay  Marcos, chairman ng Senate Committee on Economic Affairs na ang agarang pag-apruba sa PPE prototype ay magdudulot ng trabaho sa garment industry sa Taytay, Rizal at mabibigyan din ng pag-asa para kumita ang mga mananahi sa Cavite at iba pang garment producing communities sa bansa.

Giit ni Marcos, diskarteng Pinoy  ang pag-asa natin para makaahon at malampasan ang krisis dulot ng COVID-19 dahil wala umanong mangyayari sa mga Filipino kung lagi lang maghihintay ng supply o donasyon galing sa ibang bansa,.

Ang pagpopondo sa mga industriyang lubhang naapektuhan ng COVID-19 pandemic at pagbibigay trabaho na labis na kaila­ngan sa mga panahong ito ay bahagi ng P750-bilyong “Pag-ASA: Alaga, Sustento, Angat” program na inihain ng senadora.

PERSONAL PROTECTIVE EQUIPMENT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with