Chinese Embassy itinanggi na kanila ang 40% accuracy COVID test kits
Danilo Garcia (Pang-masa) - March 30, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mariing itinanggi ng Chinese Embassy na sa kanila galing ang mga test kits na sinasabi ng Department of Health (DOH) na itinabi na lang dahil sa may 40 porsyento lamang na “accuracy” sa pagtukoy ng coronavirus disease (COVID-19).

“The test kits mentioned by the DOH official on 28 March 2020 during the press briefing were neither tested by RITM which did not receive any kit sample for lab validation nor donated by the Chinese government,” ayon sa opisyal na pahayag ng Chinese Embassy.

Ipinaalala ng Chinese Embassy na simula nang pumutok ang outbreak sa Pilipinas, tuluy-tuloy ang pagtulong ng China sa bansa at nanawagan sila na pairalin ang pagkakaisa para malagpasan ng lahat ang pandemic.

Una nang sinabi ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire na 40% ang accuracy rate ng mga test kits na naunang ipinadala sa kanila ng China at hindi umabot sa pamantayan ng WHO.

“Sa mga naunang pinadala sa amin na test kits from China na nakapagpakita ng 40 percent accuracy, hindi po namin ito ginamit dahil nakita nga po na mababa po ang accuracy natin dito. Kaya ito na lang po ay ating itinago,” pahayag ni Vergeire.

COVID-19 DOH
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with