6 baragay sa Mandaluyong nasa heightened quarantine
MANILA, Philippines — Matapos na makapagtala ng dumaraming bilang ng positibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19), anim na barangay sa Mandaluyong City ang isinailalim na rin sa heightened community quarantine kahapon.
Base sa Executive Order (EO) No.12 ng Office of the Mayor, nabatid na complete closure na ang ipatutupad sa Saniboy Street at F. Blumentritt Street, habang partial closure naman sa Coronado Street, J. Rizal Street, Private Road at San Francisco ng lungsod.
Ang heightened community quarantine ay ipinatutupad kapag dumarami ang bilang ng mga positive sa COVID-19, persons under investigation (PUI) at persons under monitoring (PUM) sa isang lugar.
Nauna nang isinailalim sa heightened community quarantine ang ilang lugar sa Barangay Addition Hills at Barangay Mauway sa Mandaluyong noong Marso 22.
Sa rekord ng Mandaluyong Health Department, nasa 35 na ang positibo sa COVID-19, 117 ang PUI at 409 ang PUM.
May dalawang COVID-19 positive patients at apat na PUI na ang namamatay sa Mandaluyong City.
- Latest