^

Police Metro

Cong. Yap, 48 oras na ‘di nakatulog sa maling resulta ng DOH–RITM

Joy Cantos - Pang-masa
Cong. Yap, 48 oras na �di nakatulog sa maling resulta ng DOH�RITM
“Inaamin ko, the past 48 hours has been very hard for me and to everyone around me. Hindi naging madali ito pero buong puso kong tinatanggap ang apology ng DOH-RITM,” pahayag ni Yap.
Facebook / Cong. Eric Go Yap

MANILA, Philippines — Dahil sa matinding epekto ng maling resulta ng Department of Health-Research for Intertropical Medicine (DOH- RITM) na positibo siya sa coronavirus disease 2019 (COVID 19), dalawang araw o 48-oras na hindi nakatulog si ACT-CIS Partylist Rep. Eric Go Yap.

“Inaamin ko, the past 48 hours has been very hard for me and to everyone around me. Hindi naging madali ito pero buong puso kong tinatanggap ang apology ng DOH-RITM,” pahayag ni Yap.

Ang pag-amin ni Yap sa pinagdaanan niya ay kasunod sa pag-anunsyo ng DOH-RITM na mali ang resulta na positibo siya sa COVID-19.

Agad namang tinanggap ni Yap ang “public apo­logy” ng RITM matapos na bawiin ang maling naipalabas na resulta.

Nilinaw ng RITM na hindi positibo si Yap sa COVID-19 kundi negatibo sa nasabing sakit.

Aminado ang kongresista bagama’t labis siyang nabahala at maging kanyang pamilya sa maling resulta ay bandang huli ay masaya siya dahil klaro siya sa naturang sakit.

Nitong Biyernes ng gabi, humingi ng “public apo­logy” ang DOH-RITM kay Yap at sinabing nagkaroon ng “clerical error” sa resulta ng COVID test na naipadala nila sa kanya.

vuukle comment

COVID-19

ERIC GO YAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with