^

Police Metro

DepEd official kumpirmado sa virus

Raymund Catindig - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagpahayag ng pangamba ang Department of Education (DepEd) na maraming naapektuhan at maaa­ring nahawa na mga esudyante at guro na dumalo ng kanilang pambansang patimpalak na ginanap sa Tuguegarao City, Cagayan at Ilagan City, Isabela matapos magpositibo sa COVID-19 ang isa nilang opisyal na nakasalamuha ng maraming delegado noong Marso 9-14.

Ito ang malungkot na pahayag ng kagawaran na ipinalabas sa kanilang social media account na DepEd Phil. kahapon.

Ayon sa DepEd, nagpositibo sa impeksiyon noong Marso 25 ang tinukoy na opisyal na isang lalaki na mula Mandaluyong City na may malaking papel sa paghahanda at pagdaraos ng National Secondary Press Conference (NSPC) sa Tuguegarao City at National Festival of Talents (NFOT) sa Ilagan City na dinaluhan ng libu-libong mag-aaral, guro at mga magulang.

Hindi itinanggi ng DepEd ang mga report na mayroong mga nakadama ng sintomas sa kanilang participants bunga ng pakikipaghalubilo sa opisyal.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with