Ayon kay Montales, kasama sa mga sasailalim sa self-quarantine si House Speaker Alan Peter Cayetano, Executive Secretary Salvador Medialdea, Department of Interior and Local Government Secretary Eduardo Año, Budget Secretary Wendel Avisado, 20 kongresista at 10 staff ng Kamara na dumalo sa special session.
STAR/File
Speaker Cayetano atbp pinapa-self quarantine
Joy Cantos (Pang-masa) - March 27, 2020 - 12:00am

Lahat ng dumalo sa special session ng Kamara

MANILA, Philippines — Inatasan na ni House of Representatives Secretary General Jose Luis Montales ang mga dumalo sa special session ng Kongreso noong Lunes, March 23, na sumailalim na rin sa self-quarantine.

Ayon kay Montales, kasama sa mga sasailalim sa self-quarantine si House Speaker Alan Peter Cayetano, Executive Secretary Salvador Medialdea, Department of Interior and Local Government Secretary Eduardo  Año, Budget Secretary Wendel Avisado, 20 kongresista at 10 staff ng Kamara na dumalo sa special session.

Ito ay matapos kumpirmahin ni House Appropriations Committee Chairman at ACT-CIS Partylist Rep. Eric Go Yap na nagpositibo siya sa sakit na coronavirus disease 2019 (COVID-19) kung saan kasama din sa ginawang special session ang kongresista para ipasa ang House Bill 6616 Bayanihan Act of 2020.

Nagawa namang maipasa ng dalawang Kapulungan ng Kongreso ang Bayanihan To Heal As One Act para sa special powers ni Pangulong Rodrigo Duterte upang tugunan ang tumitinding banta ng COVID 19.  

“Humihingi ako ng patawad at pag-unawa mula sa mga taong nakasalamuha ko. I was paranoid dahil may kaunting ubo akong naramdaman but I felt it was normal for me. Mas nag-ingat tayo dahil wala pang resulta ang test ko. Those who know me personally know that I practice good personal hygiene. But it didn’t spare me from this virus”.

Ito ang naging pahayag ni Yap  matapos magpositibo sa COVID 19 test kaugnay ng determinadong hakbangin ng gobyerno upang labanan ang krisis sa nakahahawa at nakamamatay na pandemic virus.

Sinabi ni Yap na nagpa-COVID test siya noong Marso 15 at sampung araw matapos ito ay nakatanggap siya ng tawag mula sa Department of Health kung saan ipinara­ting sa kaniya ang resultang positibo siya sa virus na lubha niyang ikinagulat.

Sinabi ni  Yap na nagpa-test  siya dahil na-exposed siya sa iba’t-ibang mga tao na may exposure din sa COVID 19 pero dahilan hindi agad nailabas ng Department of Health (DOH) ang resulta ay hindi siya sumailalim sa 14 araw na self quarantine.

Noong Marso 10, bilang Chairman ng House Appropriations Committee ay dumalo pa si Yap sa pagdinig sa panukalang magbibigay ng supplemental budget sa DOH laban sa COVID 19.

Matapos ang nasabing COVID 19 testing noong Marso 21 ay ipinatawag pa si Yap sa isang pagpupulong sa Malacañang upang talakayin ang mga hakbang para sugpuin ang krisis at sinabi nito na bago siya nagtungo sa Malacañang ay tinanong muna niya kung may resulta na ang kaniyang test pero wala pa kaya tuloy ang kaniyang trabaho.

Nitong Lunes, Marso 23, dahil walong araw na ay wala pang resulta ang kaniyang COVID test, dumalo pa si  Yap sa Special Session ng Mababang Kapulungan ng Kongreso para ipasa ang House Bill 6616 Bayanihan Act of 2020.

 Samantala, bukod kay Yap, isa pang kongresista ang nagpositibo sa COVID-19.

Ibinunyag ito kahapon sa social media account ni Isabela Rep. Antonio “Tonypet” Albano. Gayunman, hindi naman tinukoy kung sino ang isa pang mambabatas na positibo sa COVID 19 na nakakarekober na sa nasabing virus.

“We bravely went to work and 2 of our congressmen are now positive with Covid-19, many more are PUIs and PUMs,” ayon kay Albano kung saan may mga congressional staff na ring nasawi sa nasabing karamdaman.

ALAN PETER CAYETANO HOUSE OF REPRESENTATIVES SELF-QUARANTINE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with