^

Police Metro

7 PUIs na pinauwi ng ospital ililipat sa Quezon City quarantine facility

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nakatakdang ilipat ng Quezon City government sa kanilang quarantine facility na tinawag na “Hope 1” ang pito sa 14 na pasyente na persons under investigation (PUIs) na pinauwi ng ospital para sana magpagamot.

Ang Hope 1 ay isang hotel na walang guest na pinagkaloob sa QC government para paglagyan ng mga PUIs sa COVID-19.

“Nalaman na lamang namin na mayroon palang mga pasyente ang pinauwi ng ospital, hindi ito na coordinate sa amin, dapat nakipag coordinate sila para natulungan, kaya nag-trace ang LGU sa kinaroroonan ng mga pinauwi ng ospital, nalaman namin na sila ay nasa tahanan at doon nagpapagaling” pahayag ni QC Mayor Joy Belmonte.

“Ung iba kase na pas­yente ay mayayaman at sa kanilang mga tahanan na lamang nagpapagaling at yung talagang walang kapasidad na magpagamot e atin pong tinutulungan”dagdag ni Belmonte.

Inatasan ni Mayor Bel­monte ang city health department na alamin ang bilang ng mga senior citizen na nasa loob ng Extreme Enhance Zone upang agaran silang mabigyan ng pheumonia vaccine at naghahanda na ang lungsod kung magkaroon pa ng worse case scenario kaugnay ng virus.

vuukle comment

PUIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with