Magra-rally sa gitna ng COVID-19 crisis, aarestuhin

Ludy Bermudo, Mer Layson (Pang-masa) - March 24, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagbabala kaha­pon ang National Ca­pital Region Police Office (NCRPO) sa publiko at mga militante kabilang ang grupong Kadamay na sila ay aarestuhin at kakasuhan ng breach of the peace kung magsasagawa ng kilos-protesta tulad ng noise barrage sa gitna ng umiiral na Enhanced Community Quarantine (ECQ).

“It is mandate to maintain order and peace but when peace is breached during protests, we are ready to apply the rule of law,” ayon kay NCRPO chief, P/Major General Debold Sinas.

Ang babala ay ibinaba ni Sinas kasunod ng isina­gawang “noise barrage protest” ng grupong Kadamay at mga residente kamakalawa sa Sito San Roque, Brgy. Pag-asa, Quezon City ng alas-5:00 ng hapon at kusang nag-disperse ng alas-5:45 ng hapon.

Iginiit ni Sinas na bahagi ng nationwide monitoring of sectoral/mass movements ang pagpa­panatili ng peace and order sa Metro Manila ang pagbabawal sa tulad ng ginawang pag-iingay ng grupo sa komunidad.

Sa imbestigasyon, nasa 60 katao ang lumahok sa nasabing pagkilos ng mga residente ng Sitio San Roque at Kadamay group na pinanguna­han nina  Ricky Indicio, Inday Bagasbas at JM Atienza. Kinokondena nila ang ipinatutupad na quarantine at mass testing dahil hindi umano ito solusyon sa coronavirus disease 2019 (COVID-19), habang ang dala nilang banner at placard ay nakalagay ang “Proteksiyunman ang kalusugan at kabuhayan” at nanghihingi ng mga bitamina at iba pang proteksyon sa kalusugan.

 Nakiusap naman si Sinas na manatili na lamang sa loob ng kanilang mga bahay ang mga residente kung nais nilang maging ligtas sa COVID-19 sa halip na sumali sa protesta.

ENHANCED COMMUNITY QUARANTINE RALLY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with