586 pasaway sa Cavite inaresto

Cristina Timbang (Pang-masa) - March 23, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nasa  586 katao kabilang ang mga senior citizen at kabataan ang inaresto ng pulisya sa magdamagang checkpoint operation sa ilang bayan at lungsod ng lalawigan ng Cavite.

Ito ang iniulat ni Cavite Provincial Director, Police Colonel Marlon Santos na kahit na maigting ang kanilang checkpoint at pag-iikot ay may mga matitigas pa din ang ulo at nakakalusot pa rin  sa kanilang pag implement ng Provincial Ordinance on Quarantine Rules.

Ang mga naaresto ay nagmula sa mga lungsod ng Dasmariñas, Bacoor, Imus, Gen. Trias, Cavite City,Trece Martirez at mga bayan ng Naic, Amadeo at Kawit na kung saan dinala ang mga ito sa himpilan ng pulisya at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.

Muling nananawagan naman si Col. Santos sa mga mamamayan ng Cavite  na makiisa at sumunod sa mga pamantayan upang maiwasan ang tuluyang pagkalat ng virus habang patuloy pa rin ang 24 oras na checkpoint sa buong lalawigan.

ARESTADO CHECKPOINT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with