74-anyos lola inatado ng 30 saksak
Ludy Bermudo (Pang-masa) - March 21, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Natagpuang patay sa loob ng kanilang bahay ang isang 74-anyos na lola na nagtamo ng 30 saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan sa Paranaque City, kamakalawa ng gabi.

Ang biktima ay kinila­lang si Sonia Moral, biyuda, residente ng 8402 Hemlock St., Marcelo Green Village, Barangay Marcelo Green ng lungsod.

Sa ulat ng pulisya, alas-10:00 ng gabi noong Huwebes nang madiskubre ng mga kapitbahay ang krimen nang tawagan nila ang biktima ng ilang beses subalit hindi ito sumasagot.

Sa pagsisiyasat ng pulis­ya, nagtamo ng 30 saksak sa katawan ng biktima at posibleng na­ganap ang krimen sa pagitan ng alas 3:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi, sa loob ng kaniyang bahay kung saan siya solong nakatira.

Ayon sa mga kamag-anak, hindi nagtatago ng malaking cash sa bahay ang biktima at wala ring mahahalagang gamit sa bahay.

Nagkalat sa bahay ng biktima ang mga pekeng alahas na pag-aari nito na posibleng nakilatis na ng magnanakaw kaya hindi tinangay.

Hinala ng pulisya na miyembro ng akyat-bahay gang ang mga suspek at nalaman na nag-iisa lang ang lola sa bahay.

KRIMEN PATAY SAKSAK
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with