_pang-masa
^
Kapag nagtaas sa presyo ng produkto traders, 15 taong makukulong
Pinatutupad na rin ang social distancing sa mga supermarket tulad ng nasa larawan sa San Pedro, Laguna na ang mga kustomer ay pinaghihiwa-hiwalay.
Russel Palma

Kapag nagtaas sa presyo ng produkto traders, 15 taong makukulong

Malou Escudero (Pang-masa) - March 20, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinakamabigat na parusa ang nag-aabang sa mga negosyante kung sakaling samantalahin nila ang sitwasyon sa pamamagitan ng pagtataas sa presyo ng kanilang produkto na batay sa Price Act ay may parusang 15 taong pagkabilanggo at multang hanggang P2 ­milyon.

Ginawa ni Trade Secretary Ramon Lopez ang babala sa gitna ng umiiral na Enhanced Community Quarantine sa Luzon at state of calamity sa buong bansa na kung saan ay  awtomatikong magkakaroon ng prize freeze sa lahat ng mga pangunahing bilihin.

Sa joint memorandum circular na ipinalabas ng Department of Trade, Department of Agriculture at Department of Health, sakop ng price freeze ang lahat ng mga mamamayan kabilang ang mga nagbebenta ng pangunahing pangangaailangan sa internet at ibang uri ng media.

Sinabi ni Lopez na hindi dapat magkaroon ng pagtaas sa presyo ng bilihin sa susunod na 60 araw o hanggang Mayo 15, 2020 maliban na lamang kung mas papaagahin ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte ang pagbawi sa kanyang deklarasyon.

Hinikayat naman ni Cabinet Secretary at Inter-Agency Task Force for the Management of Emer­ging Infectious Diseases (IATF-EID) spokesperson Karlo Nograles ang publiko na isumbong sa DTI ang mga nagsasamantalang negos­yante sa pamamagitan ng consumer hotline 1-384 o  e-mail addres na Consu­merCare@dti.gov.ph.

Pinatitiyak ni Lopez sa mga tagapagpatupad ng batas na tiyakin na istriktong masusunod ang price freeze.

PRICE ACT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with