Lady gasoline attendant tinodas ng holdaper
Christian Ryan Sta. Ana (Pang-masa) - March 2, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dead-on-the-spot ang isang 29-anyos na babaeng gasoline attendant na si Bernadeth Mamangon, may-asawa, makaraang barilin sa ulo ng isa sa dalawang holdaper nang tumangging ibigay ang sling bag na naglalaman ng kinitang pera ng kanilang gasolinahan, kamakalawa sa Purok 4, Felipe Vergara Road, Barangay Talipapa, Cabanatuan City, Nueva Ecija.

Sa ulat, bandang alas-9:30 ng gabi noong Sabado, abala umano sa pagkakarga ng gas ang biktima sa motor ng dalawang suspek na nagpanggap na kostumer nang magdeklara ng holdap at pilit na kinukuha ang nakasukbit na sling bag.

Hindi umano pumayag ang biktima hanggang sa isa pang suspek ang nagpunta sa kanyang likuran at doon ay binaril ito sa ulo.

Pagbagsak ng biktima ay dito na kinuha ng dalawang suspek ang sling bag ng biktima na sinasabing naglalaman ng P2,500 cash na bahagi ng kinita ng nasabing gas station ng araw na iyon.

Nirerebyu ng pulisya ang kuha sa CCTV ng nasabing gas station upang matukoy ang dalawang salarin.

HOLDAPER
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with