Quezon City shootout: 2 pusher dedo
Joy Cantos (Pang-masa) - February 29, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kapwa nasawi ang da­lawa umanong notoryus na drug pushers sa naganap na shootout matapos na manlaban sa mga otoridad kahapon ng madaling araw sa Quezon City.

Kinilala ang mga na­patay na suspect na sina Welito Bantilo at Christian Mark Sulit; pawang nasa hustong gulang at mga residente ng Calamba City, Laguna.

Sa ulat, bago naganap ang shootout, bandang alas-12:25 ng madaling araw sa harapan ng isang mall sa Brgy. San Bartolome, Quirino Highway, Novaliches ay nakatanggap ng impormasyon ang mga otoridad hinggil sa talamak na pagtutulak ng droga ng dalawang suspek kaya’t isinagawa ang buy-bust operation.

Habang isinasagawa ang drug deal ay nakahalata ang mga suspect na mga parak ang kanilang ka-transaksyon at sa halip sumuko ay nanlaban ang mga ito kaya’t napatay.

PUSHER
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with