Kinilala ni PNP-IMEG Director Police Colonel Ronald Oliver Lee, ang nasakoteng si Police Major Melvin Madrona, hepe ng CIDG-Bacolod City.
STAR/File
CIDG chief ng Bacolod dinakip sa kotong
Joy Cantos (Pang-masa) - February 29, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nadakip sa isang entrapment operation ng mga operatiba ng PNP-Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG) ang hepe ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng Bacolod City matapos itong ireklamo ng pangongotong ng pamunuan ng isang KTV bar, kamakalawa ng hapon sa Bacolod City, Negros Occidental.

Kinilala ni PNP-IMEG Director  Police Colonel Ronald Oliver Lee, ang nasakoteng si Police Major Melvin Madrona, hepe ng CIDG-Bacolod City.

Sa ulat, alas-5:35 ng hapon nitong Huwebes nang arestuhin sa entrapment operation ng mga operatiba ng PNP-IMEG ang suspek sa isang cockpit arena sa Brgy. Mansilingan, Bacolod City sa aktong tumatanggap ng P5,000 cash mula sa nagreklamong may-ari ng Ztrip Zone KTV Bar sa lungsod.

Inaresto rin ang kasabwat ni Madrona na isang sibilyan na kinilalang si Jay-R dela Cruz, isang handler ng mga panabong na manok.

Ayon sa ulat, si Madrona ay inireklamo ng pangingikil umano ng P5,000 protection money kada linggo sa mga may-ari ng KTV bar sa Bacolod City upang magpatuloy ang operasyon ng mga ito.

Nabatid na sinalakay ng CIDG-Bacolod City noong Pebrero 8 bandang alas-11 ng gabi  ang KTV bar sa lungsod at dinala sa kanilang himpilan ang negosyanteng may-ari nito, mga empleyado saka ang kanilang kustomer na Hapon.

Kinabukasan ay pinalaya ang mga ito ng walang naisasampang kaso laban sa operasyon ng KTV bar at tinakot ang may-ari na sasalakayin ang establisyemento kapag hindi nagbigay ng P5,000 protection money  na kanilang kokolektahin tuwing Huwebes kada linggo.

Bukod rito ay pinagbayad rin ni Madrona ang kinokotongan nitong negosyante ng kanilang travel expenses at hotel accommodation.

Nabatid na nagsimulang magbayad ng P5,000 ang may-ari ng nasabing KTV kay Madrona, simula noong Pebrero 20 na kinokolekta ng isang tinukoy sa pangalang Senior Master Sergeant Nabarte sa utos umano ni Madrona kung saan isinasailalim sa beripikasyon ang report na ito.

CIDG
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with