Chinese pogo worker tinodas sa restoran
Ang dalawang Chinese na kinilalang sina Yang Chao Wen at Liang Yuan Wu na bumaril at nakapatay sa isa sa dalawang Chinese POGO workers sa Makati City.
SPD photos
Chinese pogo worker tinodas sa restoran
Danilo Garcia (Pang-masa) - February 29, 2020 - 12:00am

2 Chinese na holdaper, timbog...

MANILA, Philippines — Idineklarang dead on arrival sa ospital ang isang 33-anyos na Chinese national habang ang kasama nito ay nasa malubhang kalagayan matapos na sila ay hol­dapin at pagbabarilin ng dalawang Chinese sa loob ng VIP room ng isang restoran sa Makati City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si Yin Jian Tao, IT employee ng POGO habang ang nasugatan na kasama nito ay nakilalang si Zheng Kai, 26, online employee at kapwa nakatira sa isang condominium sa Brgy. Bel-Air, Makati City.

Agad namang naaresto ang dalawang suspek na mga Chinese na kinilalang sina Yang Chao Wen, 32, at Liang Yuan Wu, 29 habang pinaghahanap ang isa nilang kasama na inaalam pa ang pagkakakilanlan.

Sa ulat ng Makati City Police, bago naganap ang krimen, alas-10:00 ng gabi sa VIP room ng Jiang Nan Hot Pot Restaurant sa No. 223 N.Garcia, Brgy. Bel-Air, ng naturang lungsod ay kumakain ang dala­wang biktima kasama ang kanilang mga misis nang dumating sa restoran ang mga suspek at walang kaabog-abog na binaril ang dalawa.

Mabilis na tumakas ang dalawang suspek ta­ngay ang pera ng mga biktima na umaabot sa mahigit kumulang na P300,000.

Sa paglabas ng tatlong suspek ay naaresto ang dalawa ng mga tauhan ng Bantay Bayan at dinala sa police station.

Sa loob ng police station ay nakuha sa pag-iingat ng dalawang suspek ang nasabing pera at dalawang kalibre .45 at isang 9mm na baril na may mga bala.

Sa inisyal na imbestigasyon ay pagnanakaw ang motibo nang pagpatay ng mga suspek at iniimbestigahan din kung may kaugnayan ang krimen sa operasyon ng POGO dahil sa mga IT experts ang dalawang binaril.

HOLDAPER
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with