^

Police Metro

Industriya ng saging apektado rin ng COVID-19

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dahil sa pagtigil ng importasyon ng China  ng saging sa Pilipinas dulot ng COVID-19 outbreak ay umapela ng tulong sa gobyerno ang mga nagtatanim ng saging sa Mindanao.

Ayon kay Stephen Antig, executive director ng Philippine Banana Grower s and Exporters Association (PBGEA), milyong mga Pilipino ang umaasa sa industriya ng saging at posibleng mawalan ng trabaho lalo na ang maliliit na banana growers. Anya, dahil sa outbreak ng COVID-19, ang maliliit na magsasaging ay nahihirapang mag-export o magpadala ng saging dahil sa pinipigilan pa rin ang mga containers na magdadala sana ng mga produkto sa iba’t ibang bahagi ng China.

Umaasa si Antig na tutulungan ng gobyerno ang kanilang industriya na isa sa producer ng “world class quality Canvendish bananas”.

Base sa Philippine Statistics Authority na ang banana production ay bumaba ng 1.4% sa fourth quarter ng 2019 kumpara sa katulad na panahon noong 2018. Ang Pinoy sauce producer na NutriAsia Inc. ang isa sa kumpanya na gumagamit ng local na raw products na ang ingredients ay ginagamit sa paggawa ng ketsap.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with