^

Police Metro

3 bata natupok sa sunog

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasawi ang tatlong magkakapatid nang makulong sa loob ng nasusunog nilang bahay sa Brgy. Camanga, Dumalinao, Zamboanga del Sur, kahapon ng umaga. 

Ang nasawing mga biktima ay kinabibilangan ng isang 8-anyos na batang babae at dalawa nitong kapatid na nagkakaedad 4 at 3. Ayon sa ulat, alas-9:00 ng umaga nang mangyari ang insidente sa bahay ng mga bata sa Purok Talaba, Brgy. Camanga, Dumalinao matapos umalis ang kanilang mga magulang na sina Bimbo at Maritess Bitzusa upang may bilhin sa palengke.

Sa pahayag ng kapitbahay ng mga biktima, nagulantang na lamang sila nang makitang nilalamon ng apoy ang bahay ng mga bata na ang pinto sa loob ay naka-lock kaya’t nabigong mailigtas ang mga ito dahil sa nababalutan na ng apoy ang buong bahay.

vuukle comment

SUNOG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with