Ex-men’s magazine model tiklo sa shabu at ecstasy
MANILA, Philippines — Naaresto ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang babae na dating model ng men’s magazine sa isang drug buy-bust operation sa Taytay, Rizal, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ang suspek na si Charlene “Cindy” Mecayer, 24, ng No. 2 Lot 15, Blk 8 Phase 9, Greenwood Executive Village, Barangay Sta. Ana, Taytay Rizal.
Sinabi ng PDEA, matagal na nilang isinailalim sa surveillance operation ang suspek at nang makakuha ng positibong impormasyon at magandang pagkakataon ay isinagawa nila ang buy bust operation dakong alas-5:00 ng hapon kamakalawa.
Nakuha ng mga otoridad sa suspek ang P68,000 na halaga ng droga, tatlong piraso ng ecstasy tablet na nagkakahalaga ng P4,500 buy bust money at 9 na piraso ng tooter at iba pang drug paraphernalias.
Nakakulong na ang dating model sa PDEA detention cell at nahaharap sa kasong paglabag sa illegal drugs.
- Latest