Pinayagang makabalik sa bansa ang mga Pinoy matapos ilabas ang negatibong laboratory results para sa COVID-19 na isinagawa ng Japanese Ministry of Health, Labour and Welfare.
DFA/Released
445 Pinoy sa Japan cruise ship nakauwi na
Malou Escudero, Doris Franche-Borja (Pang-masa) - February 27, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dumating na kahapon sa bansa ang 445 Pinoy na mula sa MV Diamond Princess cruise ship na nakadaong sa Yokohama, Japan na sakay ng dalawang Philippine Airlines (PAL) chartered flights mula sa Haneda Airport sa Japan. 

Ang repatration ay pinangunahan ng Phi­lippine Embassy sa Tok­yo matapos ang direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte at Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).

Pinayagang makabalik sa bansa ang mga Pinoy matapos ilabas ang negatibong laboratory results para sa COVID-19 na isinagawa ng Japanese Ministry of Health, Labour and Welfare (MHLW).

Ang unang eroplano na may 309 pasahero at dalawang miyembro ng repatriation team mula sa DFA at isang four-member health response team mula sa Department of Health (DOH) ay dumating sa Clark Airbase dakong 10:10 p.m. ng Pebrero 25.

Habang ang ikalawang flight na may 136 na pasahero kasama ang isang two-member DFA team at isang five-member team mula sa DOH, ay dumating ng alas-12:12 ng umaga kahapon.

Lahat ng repatriates, kasama ang mga DFA at  DOH repatriation team members, at PAL flight crew ay dinala sa Athletes’ Village sa New Clark City,Tarlac para sa 14-day quarantine program ng DOH.

DIAMOND PRINCESS CRUISE SHIP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with