Ito ang inihayag ni Presidential spokesperson Salvador Panelo nang mapagkasuduan sa isinagawang meeting ng Inter-Agency Task Force on emerging Infectious Diseases kaya’t ang mga turista na magtutungo sa nasabing probinsiya ay sakop ng travel ban.
AFP/Yonhap
Pinas ipinatupad ang travel ban sa isang lalawigan sa South Korea
Malou Escudero (Pang-masa) - February 27, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Base na sa rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease ay ipinatupad ng gobyerno ng Pilipinas ang travel ban sa North Gyeongsang Province sa South Korea na kilala rin sa tawag na Gyeongbuk matapos tumaas ang bilang ng nagkakaroon ng coronavirus disease o COVID-19 sa nasabing lugar.

Ito ang inihayag ni Presidential spokesperson Salvador Panelo nang mapagkasuduan sa isinagawang meeting ng Inter-Agency Task Force on emerging Infectious Diseases kaya’t ang mga turista na magtutungo sa nasabing probinsiya ay sakop ng travel ban.

Pero, papayagan naman ang mga Filipinos na mga permanent residents, nag-aaral o kaya ay nagta-trabaho sa South Korea na magtungo sa North Gyeongsang Province, pero kailangan nilang lumagda ng isang waiver na nagsasabing alam nila ang panganib sa kanilang kalusugan.

Sa kasalukuyan ay pinag-aaralan pa rin ng task force kung palalawakin ang travel ban at isasama ang iba pang parte ng South Korea na kung saan ay umabot na sa 1,146 ang kumpirmadong may COVID-19 at sampu na ang naiulat na namatay.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with