Sabi ni Cayetano, mayroon siyang sariling pamamaraan ng leadership at ayaw niya ng bara-bara sa trabaho na hindi muna pinag-aaralan.
File
ABS-CBN franchise at national budget ginagamit para patalsikin sa puwesto si Speaker Cayetano
Gemma Garcia (Pang-masa) - February 27, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Naniniwala si House Speaker Alan Peter Cayetano na ginagamit na dahilan ang pambansang budget at ngayon naman ang prangkisa ng ABS-CBN para siya ay patalsikin sa puwesto bilang lider ng Kamara.

Sabi ni Cayetano, mayroon siyang sariling pamamaraan ng leadership at ayaw niya ng bara-bara sa trabaho na hindi muna pinag-aaralan.

Ilang beses na rin naman aniyang naipaliwanag kung bakit niya gusto ng maayos at patas na hearing pagdating sa franchise bills ng Lopez-led company.

Kaugnay nito, iginiit ni Cayetano na hindi siya magpapa-pressure sa media kaugnay sa paggamit ng isyu ng ABS-CBN franchise.

Aalis lamang anya siya sa pwesto kung talagang ayaw na siya ng mayorya ng Kamara.

Napansin naman ng mga kongresista ang kakaibang galaw ni Marinduque Congressman Lord Allan Velasco na bagama’t sa Oktubre pa uupo bilang House Speaker kapalit ni Cayetano sa usaping “term sharing” ay tila atat na itong umupo dahil ito umano ang gumagamit sa isyu ng napipintong alokasyon sa pambansang badyet sa 2021 para kumbinsihin ang mga kapwa niya kongresista na sumama umano sa planong sunggabin ang pwesto. 

Pinapangalandakan na umano ni Velasco sa mga kapwa solon na siya na ang uupong Speaker sa buwan ng Oktubre, kung kailan hihimayin ang pambansang badyet para sa 2021.

ALAN PETER CAYETANO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with