Magugunita na mismong si ABS-CBN president at chief executive officer Carlo Katigbak ang nag-sorry sa pagdinig ng Senate committee on public services tungkol sa mga isyu na may kinalaman sa pagre-renew ng prangkisa ng ABS-CBN.
Albert Alcain/Presidential Photo
Duterte tinanggap ang sorry ng ABS-CBN
Malou Escudero (Pang-masa) - February 27, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — “Yes. Ay, nandiyan yan. I accept the apology, of course”.

Ito ang naging pahayag kahapon ni Pangulong Rod­rigo Duterte nang tanungin siya kung tinantanggap na niya ang paghingi ng “sorry” ng ABS-CBN kaugnay sa isang political ad na banat sa kanya noong 2016 presidential elections.

Magugunita na mismong si ABS-CBN president at chief executive officer Carlo Katigbak ang nag-sorry sa pagdinig ng Senate committee on public services tungkol sa mga isyu na may kinalaman sa pagre-renew ng prangkisa ng ABS-CBN.

Sinabi pa ng Pangulo na maaring i-donate na lamang ng network ang P2.6 milyon na dapat i-refund sa kanya matapos hindi ipalabas ang kanyang political ad.

Bahagi ang nasabing pera ng P7 milyon na hindi kaagad nai-refund ng network.

Nang tanungin kung lalagdaan ng Pangulo ang panukalang batas tungkol sa pagre-renew ng prangkisa ng ABS-CBN, sinabi ng Pangulo na: “I will cross the bridge when I get there.”

Sinabi pa ng Pangulo na sinadya niyang dumistansiya sa isyu. Ang desisyon aniya tungkol sa prangkisa ay nasa House of Representatives at Senado.

ROD­RIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with