Tatay patay, 2 anak sugatan sa karnaper
Rhoderick Beñez (Pang-masa) - February 27, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang 40-anyos na ama habang nasugatan ang dalawa nitong anak na babae nang sila ay pagbabarilin ng isang lalaki at tangayin ang kanilang motorsiklo sa Sitio Torres, Brgy. Limbo, Sultan Kudarat.

Ang nasawi dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay kinilalang si Badrudin Salik Mamalangkas habang ang dalawang anak nitong babae na may edad 10 at 7 ay nasugatan at dinala sa ospital.

Sa ulat, alas-7:20 ng gabi ay minamaneho ni Badrudin ang kanyang itim na Honda XR200 (KQ7622) lulan ang dalawang anak at pagsapit sa bahagi ng Sitio Torres ay bigla silang hinarang ng suspek at walang sabi-sabing pinagbabaril.

Nang bumagsak ang mag-aama ay tinangay ng hindi pa kilalang suspek ang motorsiklo at tumakas.

PAGBABARILIN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with