Ipinaabot din ng Kamara sa NTC na kanila nang nasimulan ang deliberasyon sa franchise renewal application ng ABS-CBN, at inatasan din ang lahat ng mga pabor at tutol na magsumite ng kanilang position paper.
The STAR/Miguel De Guzman
Kamara sinulatan ang NTC na bigyan ng provisional authority permit to operate ang ABS-CBN
Gemma Garcia (Pang-masa) - February 27, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kahit nakatakdang mapaso ang prangkisa ng ABS-CBN sa dara­ting na Mayo 4, 2020 ay sinulatan na ng Kamara para pakiusapan ang National Telecommunications Commission (NTC) na bigyan ng provisional authority to operate ang ABS-CBN.

Base sa liham nina House Speaker Alan Peter Cayetano at Committee on Legislative Franchises chair Franz Alvarez sa NTC hiniling nila  na payagan ang ABS-CBN na makapag-operate hanggang sa makabuo ng desis­yon ang Kongreso sa franchise renewal application ng naturang media giant. 

Ipinaabot din ng Kamara sa NTC na kanila nang nasimulan ang deliberasyon sa franchise renewal application ng ABS-CBN, at inatasan din ang lahat ng mga pabor at tutol na magsumite ng kanilang position paper. 

Nakasaad din sa liham na tanging ang Kamara lamang ang may “exclusive original jurisdiction and authority” sa pagbibigay ng prangkisa. 

Pero, sinabi ni Caye­tano uunahin muna ng Kamara ang pagprose­so sa ilang mas mahala­gang panukalang batas tulad ng rehabilitasyon sa Batangas, prevention sa pagkalat ng COVID-19, pagtatag ng Department of OFW at Disaster Resilience at marami pang iba.

ABS-CBN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with