3 drug pusher todas sa buy-bust
Jorge Hallare, Joy Cantos, Omar Padilla (Pang-masa) - February 27, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tatlong drug pusher ang nasawi sa magkakahiwalay na buy-bust operation sa lalawigan ng Bulacan at Camarines Sur.

Sa San Jose del Monte City, Bulacan napatay ang dalawang tulak na kinilalang sina Arjohn Irena at Carlo Sison, pawang nasa listahan ng Unified PNP/PDEA watch list.

Sa ulat, bago naganap ang insidente, ala-1:00 ng madaling araw ay nagsagawa ng buy-bust operation ang pulisya laban sa dalawang suspek sa Brgy. Minuyan Proper.

Nang mag-aabutan na ng items ay nakahalata ang dalawang suspek na ahente ng pulis ang kanilang katransaksyon kaya’t naglabas ang mga ito ng baril at pinutukan ang poseur buyer na pulis na mabilis na masuwerteng hindi tinamaan.

Gumanti ng putok ang mga nakatagong pulis at napatay ang dalawang suspek.

Napatay naman ang incumbent brgy. chairman ng Brgy. Datu Esmael, Dasmariñas City Cavite na si Dirimpasan Pangandag, alyas Chairman/Bong, 51 na number 1 Regional Recalibrated Priority Data Base on Illegal Drugs ng Region 4A.

Sa ulat, ala-1:20 ng hapon nang maglunsad ng buy-bust operation ang pinagsanib na puwersa ng Naga City Police, Cavite Police Provincial Office (PPO), at 9th Infantry Division ng Philippine Army laban sa suspect sa Almeda Highway,Concepcion Grande.

Nakahalata ang suspect na pulis ang kanyang ka-transaksyon dahilan upang bumunot ito ng baril at paputukan ang mga operatiba.

Gumanti ng putok ang mga operatiba at napatay ang suspek.

BUY-BUST OPERATION
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with