^

Police Metro

Mag-lover itinumba sa inupahang apartment

Joy Cantos, Cristina Timbang - Pang-masa
Mag-lover itinumba sa inupahang apartment
Sa ulat, bago naganap ang krimen, bandang alas-2:30 ng hapon sa loob ng apartment ng mga biktima ay nakita ng isang kapitbahay ang pagdating sa lugar ng mga armadong suspek na agad pinasok ang mga biktima.
File

MANILA, Philippines — Kapwa nasawi noon din ang isang maglive-in partner nang pasukin ng hindi pa nakilalang mga gunmen ang nire­rentahan nilang apartment at pagbabarilin, naganap kamakalawa sa Brgy. Santol, Tanza, Cavite.

Kinilala ang nasawi na sina Amante Ronquillo at Ma. Jesusa Torcuator; kapwa 48-anyos.

Sa ulat, bago naganap ang krimen, bandang alas-2:30 ng hapon sa  loob ng apartment ng mga biktima ay nakita ng isang kapitbahay ang pagdating sa lugar ng mga armadong suspek na agad pinasok ang mga biktima.

Ilang sandali ay na­karinig nang sunud-sunod na putok ng baril at nakita ang mga suspek na nagmamadaling tuma­lilis sa lugar na hindi nagawang hara­ngin ng mga kapitbahay sa dahilang pawang armado ang mga ito.

Nabatid na ang mag-lover ay apat na araw pa lamang nangungupahan sa nasabing apartment.

Narekober naman sa crime scene ang sari-saring ID’s ng maglive-in partner na iba’t iba ang ginamit na pangalan pero iisa lamang ang larawan.

vuukle comment

PAGBABARILIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with