^

Police Metro

2 binatilyo patay sa trak

Joy Cantos, Victor Martin - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dead on the spot ang dalawang menor de edad na lalaki nang suwagin ng isang rumaragasang truck ang sinasakyan nilang motorsiklo sa kahabaan ng Brgy. Road, San Placido, Roxas, Isa­bela, kamakalawa ng hapon.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Hanz Charle Viad, 16, Grade 10, estudyante, driver ng Euro motorcycle at angkas nitong si Jhonrence Esquivel, 16.

Sa ulat ng pulisya, bago naganap ang trahedya alas-3:15 ng ha­pon sa kahabaan ng Brgy. Road, San Placido, Ro­xas, Isabela ay binabagtas ng rumaragasang Isuzu dump truck (WDP-246) na minamaneho ni Danilo Anog, 49, ng Brgy. Sinamar, Roxas, Isabela sa Brgy. Road patungo sa kanlurang direksyon sa nasabing lugar nang big­lang mang-agaw umano ng linya ang Euro motorcycle ng dalawang binatilyo.

Hindi na naiwasan ng trak ang motorsiklo at tuluy-tuloy na sinalpok kung saan napuruhan ang dalawang binatilyo na nasawi noon din dahil sa grabeng pinsala sa katawan.

Sumuko ang driver ng truck sa Roxas Municipal Police Station at nahaharap sa kasong kriminal.

vuukle comment

RUMARAGASANG TRUCK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with