^

Police Metro

ABS-CBN nag-sorry kay Duterte

Malou Escudero - Pang-masa
ABS-CBN nag-sorry kay Duterte
Sinabi pa ni Katigbak na hindi intensiyon ng ABS-CBN na ma-offend ang Pangulo at sumusunod lamang sila sa mga batas at regulasyon tungkol sa political ads.
Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Humingi ng sorry kahapon ang ABS-CBN kay Pangulong Rodrigo Duterte kung na-offend ito sa political ad noong 2016 presidential elections.

Mismong si ABS-CBN president at chief executive officer Carlo Katigbak ang nag-sorry sa pagdinig ng Senate committee on public services tungkol sa mga isyu na may kinalaman sa pagre-renew ng prangkisa ng ABS-CBN.

Sinabi pa ni Katigbak na hindi intensiyon ng ABS-CBN na ma-offend ang Pangulo at sumusunod lamang sila sa mga batas at regulasyon tungkol sa political ads.

Nilinaw rin ng network na wala silang sariling political agenda at mahigit sa nasa P100 milyong halaga ng national ads ni Duterte ang kanilang naipalabas noon.

Ginawa ni Katigbak ang pahayag matapos kuwestyunin ni Sen. Christopher “Bong” Go ang pagpapalabas ng ABS-CBN ng advertisement na maituturing aniya  na black propaganda at paninira kay Duterte.

Ipinunto ni Go na naipalabas ang nasabing political ad laban sa Pangulo kung saan kinukuwestyon ng mga bata sa ad ang pagmumura at ilang mga kontrobersiyal na pahayag ni Duterte.

Kinuwestiyon din ni Go kung bakit mas nabig­yan ng pagkakataon ang nasabing black propaganda laban sa Pangulo kaysa sa kanilang political ads na hindi ipinalabas at ni-refund na lamang ang bayad.

Samantala, sinabi na­man ni Presidential spokesman Salvador Pane­lo na matagal nang dapat na humingi ng paumanhin ang ABS-CBN kay Pangulong Duterte dahil sa hindi pag-eere ng kanyang campaign material noong 2016 presidential elections.

Batid naman aniya na may atraso ang naturang TV station,subalit wala naman itong ginawa para itama ang kanilang pagkakamali.

Kung hindi pa aniya nag-alburuto si Pangulong Duterte ay hindi pa hihingi ng paumanhin ang ABS-CBN.

Ayon kay Panelo, nasa pagpapasya na ni Pangulong Duterte kung tatanggapin o hindi ang sorry ng ABS-CBN.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with