^

Police Metro

3 katao timbog sa P3.4-M shabu

Mer Layson - Pang-masa
3 katao timbog sa P3.4-M shabu
Sa ulat, dakong alas-4:30 ng madaling araw nang maaresto ang mga suspek sa harapan ng isang convenience store sa Brgy. Kaligayahan, Novaliches.
File

MANILA, Philippines — Tatlong drug suspek ang naaresto ng mga otoridad at nakumpiska ang nasa P3.4 milyong halaga ng shabu sa isang buy-bust operation sa Novaliches, Quezon City, kamakalawa.

Kinilala ang mga suspek na sina Karen Leal, alyas “Michelle”, 32; John Rhens Timing, 20; at Jason Ymalay, 26, pawang residente ng Novaliches.

Sa ulat, dakong alas-4:30 ng madaling araw nang maaresto ang mga suspek sa harapan ng isang convenience store sa Brgy. Kaligayahan, Novaliches.

Bago ito ay nakatanggap ng tip ang mga otoridad hinggil sa ilegal na aktibidad ng mga suspek kaya’t kaagad na nagkasa ng operasyon kung saan isang pulis ang nagpanggap na poseur buyer.

Nang makabili ng kalahating milyong halaga ng shabu mula sa mga suspek ay kaagad nang isinagawa ang pag-aresto sa mga ito at nakumpiska ang nasa kalahating kilo ng shabu na may street value na P3.4 milyon.

vuukle comment

KAREN LEAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with