School principal lasog sa SUV
Jorge Hallare (Pang-masa) - February 22, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 52-anyos na school principal matapos na mabangga at makaladkad ang kanyang minamanehong motorsiklo ng isang SUV na sumusunod sa kanya sa kahabaan ng Maharlika National Highway, Purok-1, Brgy. Travesia, Guinobatan, Albay kahapon ng hapon.

Ang biktima na nasawi ay kinilalang si Danilo Padua Ortega, residente ng Palm Village, Purok-2 ng nasabing barangay.

Sa ulat, alas-2:40 ng hapon ay magkasunod na binabaybay ng motorsiklo (EA-42861) ng biktima at ng Suzuki Vitara na kulay light grey na minamaneho ng hindi nakilalang driver ang highway.

Gayunman, nabangga ng SUV ang motorsiklo ng biktima at nakaladkad saka tumilapon at humampas ang katawan sa nakaparadang truck (CA-15897) sa kabilang kalye na minamameho ni Hanjie Pasague Maniego, 32, ng Brgy. Ubang Capalonga,Camarines Norte. Tumakas ang driver ng Suzuki Vitara.

AKSIDENTE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with