Bato, ipinagtanggol ng Malacañang
Malou Escudero (Pang-masa) - February 22, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sa gitna ng mga batikos na natatanggap ni Sen.Ronald “Bato” Dela Rosa dahil sa pagtatanggol kay Pangulong Rodrigo Duterte ay ipinagtanggol din ito ng Malacañang.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, walang masama sa ginagawang pagsuporta ni Dela Rosa sa Pangulo.

Sa mga nakaraang panayam, ilang beses na sinuportahan ni Dela Rosa ang Pangulo lalo na sa isyu ng pagbasura sa Visiting Forces Agreement sa pagitan ng Pilipinas at ng Amerika at sa isyu ng prangkisa ng ABS-CBN.

Walang balak si Dela Rosa na sumama sa ilang senador na maghahain ng petisyon sa Supreme Court tungkol sa isyu ng legalidad nang abrogation ng VFA.

Mas pinanigan din ni Dela Rosa ang Pangulo tungkol sa isyu ng renewal ng prangkisa ng ABS-CBN.

RONALD “BATO” DELA ROSA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with