Illegal Chinese workers palalayasin sa Pinas
Si Immigration officer Allison Chiong na humarap sa Senado kamakailan at ibinunyag ang mga anomalya na ginagawa ng mga immigration officers sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa pagpapalusot sa mga Chinese na may kapalit na pera.
Geremy Pintolo
Illegal Chinese workers palalayasin sa Pinas
Malou Escudero (Pang-masa) - February 22, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tiniyak kahapon ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na ipade-deport ang lahat ng Chinese workers kapag napatunayan na ilegal ang pananatili nila sa bansa matapos mabunyag ang bayaran sa Bureau of Immigration.

“Basta ‘yung mga iligal pababalikin natin sa pinanggalingan nila. Basta may iligal na ginawa, ang presidente natin palaging (sinasabi) ipatupad ang batas,” sabi ni Panelo.

Magugunita na nauna nang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtanggal sa puwesto sa mga opisyal ng BI na sangkot sa tinatawag na “pastillas” scheme kung saan nakakakolekta ng pera ang mga ito sa mga pumapasok na mga Chinese.

Matatandaan na humarap sa pagdinig sa Senado si immigration officer Allison Chiong na nagsiwalat na hindi na dumadaan sa tamang proseso ang mga Chinese na ang mga pangalan ay nakatimbre na sa BI.

BUREAU OF IMMIGRATION SALVADOR PANELO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with